HOLA HOLA FILIPINAS Y EL MUNDO!!
PUERTO PRINCESA SUBTERRANEAN RIVER
ang puerto princesa subterranean river ay nominado ngayon upang makabilang sa 7 wonders of the world. napakaganda kasi ng underground river na ito. matatagpuan ang subterranean river sa kahanga-hangang lalawigan ng palawan. maraming dayuhan ang dumarayo rito. isa na naman ito sa mga ipagmamalaki ng bansa nating pilipinas. malapit ng malaman ang resulta ng 7 wonders of the world kaya kailangan na talaga ng malaking suporta ng mga pilipino sa lugar na ito.
kaakit akit ang tanawing ito. ang tubig ay may taglay na linaw at kulay-bughaw. madilim ang loob ngunit malinis at maayos ang dadaanan. may matataas na talampas na nagtataglay ng mga limestone. maganda ring tanawin ang langit sa lugar na ito. matagal ko ng pinapangarap na makadaong sa tanawin ng palawan. pakiramdam ko’y hindi pa ako lubusang maituturing na pilipino sapagkat di pa ako napupunta rito.
ang ganda tlaga ng puerto princesa subterranean river. sariwa ang hangin at maaliwalas ang paligid. hindi na nakapagtatakang dinarayo ito ng mga turista. dapat lang tlagang ipagmalaki ito ng mga pilipino. kailnangan talagang suportahan ito ng ating pamahalaan dahil makikilala ang ating bansa sa tulong nito.
Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba’t ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.
Ang mundo’y iisa. Sa una, ito’y pinamamahalaan rin ng iisa, ang Manlilikha. Sa pagdami ng tao, nagkaroon ng pagpapangkat-pangkat. Isinilang ang iba’t ibang bansa na pinamamahayan ng iba’t ibang lahi. Bagama’t iisa ang pinagmulan; ang Dios, ang tao’y may pagkakaiba. Walang dalawang tao ang eksaktong magkatulad.
Sa dahilang ito nagsisimula ang hindi pagkakaunawaan. Kung ang isang bansa ay nagnais ng higit na malaking kapangyarihan, pinasok ang ibang bansa at ito’y pinagsamantalahan, ito’y pinag-uugatan ng malaking kaguluhan.
Walang mabuting dulot ang digmaan. Pagkaputi ng buhay at pagkasira ng kabuhayan ang resulta nito. Ito ang naging karanasan ng buong mundo noong Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Upang ito’y maiwasan at maprotektahan ang maliliit na bansa sa pananamantala ng higit na malalaki at makapangyarihang bansa, iminungkahi ng isang German Philosopher, Immanuel Kant ang pagtatatag ng isang kapisanan ng mga bansa sa boung mundo noong 18th Century, ang League of Nations.
Subalit ang League of Nations ay may ilang kahinaan. Ilan sa malalaki at makapangyarihang bansa ay hindi kaanib dito, isa na rito ay ang Estados Unidos o Amerika. Kailangan ring magbotohan ang 63 kaanib na bansa kung kailangang makialam ang League sa hidwaan ng bansa, kapag mayroong hindi sumang-ayon, bigo ang League sa kanilang layuning panatilihin ang kapayapaan sa mundo at parusahan ang alinmang bansa na magsisimula ng kaguluhan. Ang mga kahinaang ito ang itinuturong dahilan ng kanilang kabiguang hadlangan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Noong 1945, nagpulong ang kinatawan ng 50 bansa sa San Francisco, California upang itatag ang United Nations. Layunin nitong maging kasapi ang kinatawan ng lahat ng bansa sa buong mundo at magkaroon ng kakayahang mamagitan sa higit na malalaking kaguluhan katulad ng naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945). Dito nagsimula ang pagsimula ng United Nations na may katulad na layunin ng League of Nations, panatilihin ang kapayapaan sa buong mundo.
Sa kasalukuyan, ang United Nations ay may 192 kasapi. Kung ang mundo ay may 194 bansa, dalawa na lang ang hindi kasapi nito, ang Taiwan at ang tinaguriang pinakamaliit na bansa sa buong mundo, ang Vatican City.
Malawak ang sakop ng United Nations, malakas ang kapangyarihan at kakayahang pigilan ang digmaan. Subali’t bakit may mga kaguluhan pa ring nabubuhay? Sapagkat ang katahimikan ay kailangang nagmumula sa puso ng tao. Ang pagkakaisa ay kailangang nanggagaling sa pinakamaliit na yunit ng lipunan, sa pamilya. Hangga’t wala ang dalawang ito, kahit nariyan ang United Nations, nariyan pa rin ang malaking panganib ng pagkakaroon ng kaguluhan.
Ngayong buwan ng Oktubre ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Nagkakaisang Bansa o United Nations. Sa pagdiriwang na ito, sana’y paglimian natin ang dakilang mithi ng UN, panatilihin ang pagkakaisa at kapayapaan sa buong mundo. Sana’y ang bawat isa sa atin ay maging instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan, sa ating pamilya, sa ating pamayanan, sa ating bansa at sa buong mundo.
Ikaw ba’y bahagi ng pagkakaisa?
— to be honest. kinuha ko to kay Joselyn Calibara-Sayson
THANK YOU!!
tutal wala nmn akong magawa, d2 nlang ako gagawa ng dipormal ko :D
UNDAS 2011
magtatapos na namn ang oktubre, malapit na naman ang araw ng mga patay at kaluluwa. noong isang taon, eksayted akong magundas, dahil mgkikita kita kami ng mga pinsan ko sa hagonoy. minsan na lng kasi magsama sama ng mga pinsan ko, kaya masaya ko, kaso iba ngayong taon. hindi kasi makakapunta ung iba sa kannila dahil may trabaho sila tito. dati naging susi ang undas para magkaisang muli ang aming pamilya, umuwi kasi si mama kaya nagkareunion kami.
sabi sa mga balita, busyng busy na nmn ang mga tao para sa paghahanda sa undas. madami na nmn ang bumubili ng bulaklak at kandila para sa mga minamahal nilang sumakabilang buhay na. ang mga nasa siyudad ay nagmamadali na nmng umuwi sa kanikanilang mga pamilya upang dumalaw sa mga puntod ng kanilang mhal sa buhay. masikip na nmn ang trapiko, pinapanalangin na lang ng mga awtoridad at ng mga tao ngayon na sana ay maging mapayapa ang pagdiriwang ng undas 2011.
kahapon ngang ika-1 ng nobyembre ay nagtungo kami sa hagonoy cemetery para magtulos ng kandila at magalay ng bulaklak sa aming lolo, ama ng aking ina. maagang umalis ang aming lola upang paguwi niya ay kami nman ang pumalit. kaya nooong mag-alas dos na ng hapon ay tumungo na din kami sa puntod ng aking lolo. doon, nagtulos kami ng kandila at nag-alay ng bulaklak. doon na din kami ngmeryenda at naghintay ng mga kamag-anak na dadalaw din. gabi na ng umuwi kami. pahirapan na nmng sumakay sa mga jeep. ayaw ng magsibyahe ng ibang mga drayber dahil raw trapik sa may paombomg memorial.
nang buksan ko ang tv, laman ng mga balita ang maayos at payapang pagdiriwang ng undas 2011. mayroon mang ilang pasaway na nagdala ng mga ipinagbabawal na gamit at inumin sa sementeryo ay naging maayos pa din nmn ang lahat.
kay. im done for today.
shocks!! 2days nalang pasukan na nman!!!! hate this, andami ko pang di nagagawa, tsk.
o yan lang naman. hayyyy!!! 10 days nga sembreak, diko nmn ginawa yang mga yan.haha well gnyan ako kacpag.
cg na, ako ay papanhik na, kaynis kc wla akong net sa kwarto ko, nonsense din ung laptop :))
bye nes na. KDOT :)
THE END
we are very good judges for others’ mistakes
and a very good lawyer for our own mistakes

just finished watching STEP UP 3..not 3D, just DVD. lol
i love the moves of ADAM SEVANI aka ROBERT “MOOSE” ALEXANDER III
shoot! i love em all, espcially the first dance of moose in the park where he was accidentally pushed in a street dance battle and is forced to battle against a samurai member, wheew! the moves! :D
i also want the part where moose leads the PIRATES (they’re group) against the other group in the WORLD JAM and guess what it’s within the WATER SURFACE!! i love itt!!!!
ok it’s getting longer, this supposed to be just a caption. KDOT :))
THE END